Kwentuhang Pabirik  

                       

Ang ‘misteryo’ ng limang payroll sheet para sa barangay frontliners’ incentive pay


Ni ALFREDO P HERNANDEZ

NAGHIHIMUTOK, nagsisikip ang dibdib at nangangati ang lalamunan (alak pa…!) ng may 20 kapitan de barangay nang malaman nilang hindi pala sila maaambunan ng incentives na ipamimigay ni Dr Antonio C. Fulong (photo below left) sa mga baranggay frontliners.

Si Dok Fulong po ang boss sa Municipal Health Office (MHO), ang kanyang posisyon ay municipal health officer.

Hindi ito tsismis.

Isang kopya ng limang payroll sheets ang natanggap ng mga kapitan sa kanilang GC na nagpapakita ng mga babayarang barangay staff, kasama ang kapitan, ng tinatawag na incentive pay dahil sa frontline services nila tulad ng pagtatrapik, pagpapanatili ng kaayusan sa community sa gitna ng pandemic at marami pang ibang gawain na naglalagay sa kanila sa isang kondisyon na exposed sila ka Mr Covid Delta.

Ayon sa payroll, ang bawat frontliner ay may budget na 136.36 pesos a day, for 28 days, for a total of 3,818.08 pesos.

Sinasabi sa payroll sheet na ang bawat isang nakalista ay nagtrabaho sa panahong nakasaad sa payroll.

Di-umano, ito ay may OK ni Dr. Antonio C. Fulong, ang municipal health officer ng Municipal Health Office ng Mambulao LGU.yon

Ngayon lang maghahatag ng incentive pay ang municipio. Ibig sabihin first ito sa history ng frontliner incentive payments simula nuong magpandemia.

Ang siste, limang barangay lamang (muna…?) ang maaambunan, kasama ang mga kapitan, tanod, piling  kagawad at mga driver. Sa bayan ng Mambulao, may 27 barangay na may kanya-kanyang manggagawa.

Ang limang kapitan na mabibiyayaan:  Kapitan Rolly Cervantes, Luklukan Sur; Kap. Ledai Aler, South Poblacion; Kap. Jerry Furiscal, San Rafael; Kap. Jesse Verdadero,Bagong Bayan at Kap. Ricardo Maderal, Dayhagan.

Sabi ng isang nagpapabirik, majority sa limang iyan ay “tao” ni Miyor Ayi. Sabi ng isang kapitan na tatanggap ng incentive pay, nagsubmit siya ng pangalan ng kanyang staff noong 2020. At doon kinuha ang pangalan ng kanyang mga staff na makakasama sa mga babayaran.

“Trinabaho namin ang trabaho namin … ako, kahit kapitan de barangay, eh nagtatrapik sa gitna ng araw at sa gitna ng buwan…”

“Kaya okey lang segurong maambunan kami,” sabi ni Kapitana.

Mainit-init pa ang limang payroll sheets nang ang mga ito ay maintercept ng isang magkakabod sa MHO at ini-leak agad sa GC nina kapitan.

Kasi, iilan pa lamang ang nakapirma na sila’y nabayaran na. Sa tingin ng isang naghihimutok na kapitan: Mukhang isinisimple lang ang pagpapapirma sa limang barangay para walang makaalam  na taga-labas.

Kaso nga, may nakaalam agad… at ipinorward agad kina kapitan via GC nila.

Tinanong ko ang isang kakilalang kapitana kung “sumahod” na ang kanyang staff mula sa MHO.

“Hindi ko pa alam … meron na ba…?” sabi niya.

Sabi ko: Kasama ka sa payroll ni Dr Fulong.

“Ha…? Saan mo nakita?”

At sinabi ko.

Sa ngayon, 9 days matapos na mag-leak ang nasabing incentive payroll, wala pang gaanong aksyong ginagawa ang mga kapitan.

Yung letter of inquiry na una nilang naisip na gawin ay ibinasura na lang.

“Wala pong nangyaring submission (ng letter of inquiry…” sabi ng isang nagpapabirik sa Santa Rosa.

Baka raw makikipag-usap sila kay Miyor Ayi anytime now kung bakit naetsa-pwera silang 20 barangay kapitanos.

Nang matanggap ko ang kopya ng payroll sheet sa aking Messenger mula sa isang fans ko kahit noong una pa mang lumabas ang MWBuzz eight years ago, agad kong ipinorward ang mga ito kay Miyor Ayi.

Tinanong ko siya: “May lima pong payroll sheet for payment sa mga barangay frontliners na nagcirculate among barangay captains, bakit daw lima lang ang barangay na binayaran ng frontliner incentive pay, eh 27 lahat ang barangay.” 

Dedma si Miyor nang makita niya ang limang payroll sheets. Ano kaya ang lusot dito?

Dedma rin siya sa akin.

“Ah… si Dok Fulong… bahala na siyang dumiskarte!

"Taga-pirma lang ako ng payroll!”

 





Ang  kopya ng limang barangay frontliners' incentive payroll na ginawa ng Municipal Health Office (MHO) para lang sa limang kapitan de barangay at ng kanilang mga tauhan. Kung minamalas, ang 22 pang ibang kapitan at mga tauhan nila ay nakanganga.











 

Comments

Popular posts from this blog