Ang logo ng Virgelyncares 2.0. 
 


KUWENTUHANG PABIRIK


Milyonarya na si Ate Virgelyn, as in, talagang malapit na!

 

 

By ALFREDO P HERNANDEZ



SA LOOB ng tatlong araw mula ngayong Lunes, August 23, ang Charity Vlogger na Virgelyncares 2.0 ay magiging bonafide MILLIONAIRE na!


Iniaabot ni Ate Virgelyn kay Mura at sa kanyang tatay ang halagang Php100,000 na kinita ng kanyang vlog mula sa mga 200,000 subscribers na pumasok sa account ng Virgelyncares 2.0, courtesy of Mura's fans.


Ngayong Lunes ng umaga, ang vlog na ito na inilalathala ni Ate Virgelyn, a.k.a. Marc Anthony Rodriguez ng Naga City, ay humatak na ng 997,000 subscribers.

Ang kakulangan 3,000 subscribers ay isang bagay na tinatawag ng mga Kano na “piece of cake” dahil nag-aaverage si Ate Virgelyn ngayon ng 4,000 mga subscribers daily.

Baka bukas ng Martes ng umaga ay posible nang lumagpas ng ISANG MILYON ang vlog na ito.

 Ang Virgelyncares 2.0 ay masasabing isa sa pinakamalakas humatak ng subscribers nitong nagdaang tatlong linggo.

Matatandaan na noong August 2 ay 603,000 pa lang ang subscribers’ base nito.

Ngunit pagkaraan ng 20 araw, ngayong umaga, ay nakahatak ito ng 391,000 subscribers to hit 997,000!

 Ang malaking dahilan ay si Mura, na siyang vlog content ni Ate Virgelyn noong August 3. Kamangha-mangha talaga ang hatak ni Mura sa kanyang mga fans!

Pagkaraan ng 12 oras na ma-vlog siya ni Ate Virgelyn for the first time, ang channel na Virgelyncares 2.0 ay nakahatak ng may 19,000 subscribers!

At kanino naman manggagaling ang 19,000 subscribers sa loob lamang ng 12 hours?

Kanino pa? Kundi sa maga fans ni Mura na patuloy pa ring umaasa na makakabalik siya sa pelikula at TV upang makatambal niyang muli ang sikat na komedyanteng si Ate Mahal, isang Bikolanong tulad ni Mura (Guinobatan, Albay) mula sa Catanduanes.

At siempre pa, matapos na mavlog ang pagdalaw ni Ate Mahal kay Mura sa vlog channel ni Miegz, nagtrabaho na naman ang mga fans ni Ate Mahal upang pumasok bilang mga subscribers sa account ni Mura.

Hindi pa rin magkamayaw ang mga fans ng artista-magsasakang si Mura.

Nang bumalik si Ate Virgelyn for the second time upang ibigay ang isang sariwang baka, yesssss, sariwang baka na umaatungal pa, kay Mahal para makatulong niya sa kanyang pagsasaka sa kanyang mountain top na munting bukirin, muli na namang tumalon ang bilang ng mga bagong subscribers sa vlog.

Ang punchline na ginawa ni Ate Virgelyn nang bumalik siya for the third time sa bundok-bukid ni Mura ay ang iabot sa dating artista ang halagang 100,000 bilang karagdagang tulong sa bago niyang kaibigan.

Sa vlog na ito, sinabi ni Ate Virgelyn kay Mura na humatak ang kanyang channel ng may 200,000 plus subscribers, at ang 100,000 pesos na kanyang ibinigay noon ay perang kinita ng kanyang vlog mula sa mga bagong subscribers, na nanood ng vlog at hindi nag-skip ng mga ads.

Katulong na rin dito ang may 603,000 OFWs na subscribers at ang libo-libong mga supporters ni Ate Virgelyn sa Facebook.

Kaya sa pagkakataong ito, ang Virgelyncares 2.0, na nilikha ng Bicolanong si Marc Anthony Rodriguez, ay ang pinakamalaki ng Charity Vlogger sa Bicol Region.

Hindi flat ang dating sa akin ng vlog channel na ito.

Meron itong kaOAyan, drama, komedia, iyakan, konting kabaklaan pero ang higit sa lahat ay ang taos-pusong pagtulong sa mga taong nakilala ni At Virgelyn sa kanyang paglilibot sa Camarines Sur.

Sila ang mga taong tunay na natulungan ni Marc Anthony Rodriguez.

Isang impressive na halimbawa ay si Clara Matos, na five months ago ay tindera sa isang panderya sa Naga City.

Si Clara Matos at ang kanyang ama na kanyang inaaruga.


Ngunit dahil sa kanyang amang nagsosolo sa bahay sa kanilang village sa isang bayang may kalayuan sa Naga City, ay napilitan si Clara na iwanan ang pagtitindera upang asikasuhin na lamang ang kanyang tatay.

Upang mabuhay, ay nagtinda ng fishball at ng Frontrow beauty products si Clara.

Nakita siya ni Ate Virgelyn, ginawang content ng kanyang hindi pa sikat na vlog at BOOOOM!, biglang nakilala ang channel na ito at maraming naawang mga subscribers ni Ate Virgelyn ang agarang nagpadala ng tulong para sa mahirap na mag-ama.

Papano ko nasabing nabago na nga ang takbo ng buhay ni Clara Matos at ang kanyang ama.

Nang makilala ni Ate Virgelyn si Clara, ang batang 17-years old ay nagluluto lang ng kanilang pagkain sa lupa. Ang kaldero ay nakapatong sa tatlong pirasong bato at may gatong na kahoy.

Ang bahay nila ay giray-giray at kung umuulan nang malakas ay nakikitulog sila sa gabi sa kanilang kapitbahay.

Ngayon, naipagawa ni Ate Virgelyn ang mag-ama ng kanilang bahay, nakamotor na si Clara at todo-completo pa sa crash helmet, may refrigerator na rin, LPG stove, cute na kama, at de-linoleum na ang kanilang sementadong sahig; may wifi sa haus niya at laptop ang gamit sa kanyang pagbebenta ng Frontrow beaty products.

And she is undergoing a leadership training sa Frontrow upang pag-ibahuyin ang kanyang munting negosyo.

At kumikita rin nang maayos ang kanyang sari-sari store na itinayo ni Ate Virgelyn. At very soon, magkakaroon na ng motor ang ipinagawa niyang deep-well pump!

May vlog na rin si Clara, sa tulong ni Ate Virgelyn. Sa katotohanan, nitong nagdaang tatlong araw ay sumahod na siya sa unang pagkakataon ng 20,000 pesos mula sa kita ng kanyang vlog na Clara’s Vlog na may 90,200 subscribers pa lang.

Kamakailan lamang ay naglaunch ng kanyang kaunaunahang vlog si Clara tungkol sa isang grupo ng mga kabataang nakatira sa isang dumpsite na malapit sa kanyang tinitirhan.

Doon ay namahagi siya ng mga pagkain sa mga kabataang ito na umaabot sa may 100.

Nangako siyang babalik upang mamahagi naman ng mga goodies sa mga magulang nila.

Nangyari ang lahat ng ito dahil sa walang sawang pagtulong ni Ate Virgelyn kay Clara at sa kanyang ama.

Sana, ang pagkikilala ni Ate Virgelyn at Mura ay maging simula na rin ng pagbabago sa dahop na buhay ng dating artista, na noon ay sagana sa pera at iba pang luho sa buhay.

Ngayong magiging isang Milyonarya Vlogger na si Ate Virgelyn, ay higit pa ang kanyang matutulungan. Tiyak yan!

Sa isang estimate ng isang website na gumagawa ng pagtantiya sa mga kinikita ng mga vloggers sa buong mundo, nalamang may apat na milyong piso ang naghihintay sa vlogger na Virgelyncares 2.0 na kinita para sa buwan ng July-August.

Ang Virgelyncares 2.0 ay inilunsad ni Marc Anthony Rodriguez noong October 23, 2019.

 

Comments

Popular posts from this blog