
Ang logo ng Virgelyncares 2.0. KUWENTUHANG PABIRIK Milyonarya na si Ate Virgelyn, as in, talagang malapit na! By ALFREDO P HERNANDEZ SA LOOB ng tatlong araw mula ngayong Lunes, August 23, ang Charity Vlogger na Virgelyncares 2.0 ay magiging bonafide MILLIONAIRE na! Iniaabot ni Ate Virgelyn kay Mura at sa kanyang tatay ang halagang Php100,000 na kinita ng kanyang vlog mula sa mga 200,000 subscribers na pumasok sa account ng Virgelyncares 2.0, courtesy of Mura's fans. Ngayong Lunes ng umaga, ang vlog na ito na inilalathala ni Ate Virgelyn, a.k.a. Marc Anthony Rodriguez ng Naga City, ay humatak na ng 997,000 subscribers. Ang kakulangan 3,000 subscribers ay isang bagay na tinatawag ng mga Kano na “piece of cake” dahil nag-aaverage si Ate Virgelyn ngayon ng 4,000 mga subscribers daily. Baka bukas ng Martes ng umaga ay posible nang lumagpas ng ISANG MILYON ang vlog na ito. Ang Virgelyncares 2.0 ay masasabing isa sa pinakama...